Ang Paglilingkod sa Bayan

Napakarami ng nagsilbi sa ating bayan na matataas ang pinag-aralan, at kung saan-saan pa nag-aaral. Maraming mga namuno mula pagka Pangulo, mga Senador, mga Kongresista, mga Kabinete, at iba pa nga mga Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, mga abogado, mga may doctorate degree, etc… Sa madaling salita, hindi nagkulang sa mga matatalinong mga indibidwal ang naglingkod sa ating bayan. Nguni’t bakit mahirap pa rin ang Pilipinas hanggang ngayon? Matapos ang pangalawang digmaang pandaigdig, ang Pilipinas, bilang alyado ng Estados Unidos ang panglawa sa pinakamayamang bansa sa Asya. Nguni’t dahan-dahan ay nilagpasan tayo ng mga karatig-bansa.

Ano nga ba ang mali sa Pilipinas? Sa aking palagay ay kulang ang pagmamahal sa Bayan ng marami sa mga namuno sa ating bansa. Maaaring mayroon naman nguni’t hindi ito ang nasa una, nguni’t ang sariling interes bago ang interes ng bayan. Kung ginamit lamang sana nila ang kanilang galing at talino para sa kapakanan ng bayan ay marahil tayo ngayon ay maunlad na at hindi ganito ang sitwasyon ng bayan. Sa ating sitwasyon, mahigit siguro 90 porsyento ng mga halal na opisyal ay hanap-buhay nila ang pulitika. Kung kaya’t ito na rin ang dahilan kung bakit sila ay nakikipagpatayan sa mga laban sa pulitika sapagka’t kabuhayan ang pinag-aawayan.

Ang inyong lingkod ay sinuwerte sa dahilang hindi ko hanap-buhay ang pulitika. Nagkataong ako ay isa ng matagumpay na negosyante bago sumabak sa pulitika. Sa madaling salita, hindi ko kailangan ang pulitika upang mabuhay, sapagka’t ako po ay may pinagkakakitaan sa aking mga negosyo.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ay nakapagdedesisyon ng maayos at tuwid sapagka’t wala akong interes na personal. Ang sa akin, ako ay nabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa ating bayan, ay pagbubutihin do na lang. Napakasarap pala ang makita mo na ang iyong mga kababayan ay masaya sa mga ginawa mong proyekto na labis na nakakatulong sa kanila. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakita mo ang ngiti ng iyong mga kababayan, ito ay higit pa sa mga parangal at iba pang rekognisyon na maaaring igawad sa iyo.

Nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na matikman kung paano ang mabuhay na parang prinsipe sa loob ng palasyo, at natikman ko na rin kung ano ang pakiramdam ng nilait at inapi matapos na mapatalsik sa palasyo.

Ang aking pinanghihinayangan lamang kung sakaling nasa palasyo pa ay ang pagkakataon na makatulong sa mas higit nakakarami nating mga kababayan

Nguni’t sa aking buhay ngayon sa oposisyon, ay kontento na ako at masayang-masaya sapagka’t alam ko na ang aking ipinaglalaban ay ang interes at kapakanan ng higit sa marami nating mga kababayan. Sa ilang mga pagkilos at pakikabaka na aking pong sinamahan nitong mga nakaraang taon ay mas nagpatibay sa aking paninindigan at paniniwala. Ang Edsa 3, kahit na pilit na binubura sa kasaysayan ng mga naghaharing-uri at mga ‘civil society’ ay nakatatak na sa puso at isipan ng inyong lingkod. Ito marahil ang pinakadahilan kung kaya’t ganun na lang ang aking paninindigan sa interes ng masa. Ang pagmamahal na ipinakita ng masa sa aking ama, kay Pangulong Erap, at sa inyong lingkod ay naka ukit na sa aking puso. Kung kaya’t ako ay makagaganti lamang ng utang na loob sa kanila sa pamamagitan ng paglilingkod ng tapat at maayos at higit sa lahat sa pakikipaglaban para sa kanilang kapakanan.

Kung kaya’t hindi ko kailanman hinahanap-hanap ang buhay sa palasyo sapagka’t ako ay kuntento na sa aking pong ginagawang pagtayo at pakikipaglaban para sa interes ng ating mga kababayan lalong-lalo na sa masa. Napakasarap maglingkod kung ang pagmamahal sa bayan ay tunay na iuuna bago ang sariling interes.

JV Ejercito

22 Comments

  1. johnelyn kim said,

    May 29, 2008 at 11:09 am

    hindi po ba kayo nabibilang sa naghaharing uri? na pilit nagbubura sa kasaysayang nilikha ng sambayanan? kung hndi ba napatalsik ang inyong ama eh sasama kayo sa min sa lansangan? nagtatanong lang

  2. JV Ejercito said,

    May 29, 2008 at 1:04 pm

    johnelyn,

    Hindi po ako kasama sa naghaharing uri. Kahit di naging Pangulo ang aking ama ay aktibo na ako sa sektor ng kabataan. Huwag sanang tignan ang aking pangalan kundi ang nagawa bilang lider kabataan at bilang isang lingkod bayan. Nakalulungkot na madalas ay may bias agad, sana ay tignan at alamin din naman ang background bago manghusga.

    Kahit itanong sa mga nakatatandang mga lider ng mga militante, mas maganda ng malaman mo kung gaano kalalim ang aking paninindigan.

    JV Ejercito

  3. johnelyn kim said,

    May 30, 2008 at 2:46 am

    first, im not judging you.
    second, im just asking, not questioning.
    third, you impress me.

    God Bless

  4. wehavenoname said,

    May 30, 2008 at 3:09 am

    johnelyn kim,

    Pasensya na sa akin nasabi. Di po sadya. Kadalasan kasi ay laging may bias dahilan lamang sa aking pangalan.

    Huwag ka mag-alala, mahaba pa ang panahon na tayo ay magsasama sa lansangan upang ipagpatuloy ang pakikibaka hangga’t makamtan ang tunay na kalayaan!

    Mabuhay ang masang Pilipino!

    JV Ejercito

  5. johnelyn kim said,

    May 31, 2008 at 11:28 am

    wala naman pong neutral sa mundo. lahat bias, lahat may kinikilingan sa kung anong wastong kanyang pinaniniwalaan.

    marahil naging subhetibo ang paraan ng pagtatanong ngunit di talaga maiiwasang maging batayan ang inyong pangalan.

    str!

  6. Yuko said,

    May 31, 2008 at 1:39 pm

    OK ang comments mo, JV. Ganyan din ang observation ko. Puro yabang lang iyong mga ipinaglalandakan pa ang mga diploma at degrees nila na hindi naman nila ginagamit para makatulong na mapagaan ang paghihirap ng mga kapwa nila.

    Between Congressman Locsin at Congressman Beltran for instance mas hanga ako doon sa yumaong kongresista kahit na wala siyang diploma from any prestigious university in the Philippines or overseas. Sayang namatay na hindi pa tapos ang mission niya. Iyan ang tunay. Hindi nagpayaman, at hindi mayabang di tulad noong mga taga-Harvard daw na wala namang nagawang matino para sa bayan nila. Ipinagmamalaki lang ang pagpapasa ng mga batas daw na sila at mga patron lang nila ang nakikinabang.

    Kawawang bansa!

  7. Eduardo D. Fajardo said,

    May 31, 2008 at 2:50 pm

    JV:
    Masuwerte ka dahil ang ama mo ay dating pangulo. Kaya ka sinuwerte sa negosyo. Siyempre, tingin ng tao lahat na pinagkakitaan mo sa iyong business ay may kinalaman sa iyong ama bilang dating presidente. Kung ikaw ay si Juan dela Cruz lang at katulad ni Pedro Penduko, iba siguro ang inabot mo sa buhay. Ito ang talagang tunay na buhay sa Pilipinas. Hanga rin ako sa inyong mag-ama. Wala akong ibang pinaghihinayangan kungdi ang pag agaw ni GMA sa posisyon ng iyong daddy Erap. Kung hindi siya naalis, baka iba ang takbo ng kahirapan ng Pilipinas sa ngayon.

  8. jr zulueta said,

    May 31, 2008 at 3:22 pm

    Isang mapagpalayang pagbati sa susunod na taga pagmana ng anak ng “Ama ng Masa” hope sana maging tulad po kayo ng iyong ama na mahal ang maang maralitang pilipino, at sana kayo na po ang kapalit na magtatangol sa mga maralitang uri na pinagsasamantalahan, ng mga uring mayayaman na ginamit ang kahinaan ng maralitang pilipino.Yes, for 2010 for Senator… Godblsss…

  9. wehavenoname said,

    June 1, 2008 at 2:32 am

    Yuko, Ed Fajardo at jrzulueta,

    Maraming salamat sa inyong mga comments. Positive or negative, makatutulong ito sa aking pananaw sa nangyayari sa ating bayan.

    Mahirap din talaga ang manggaling sa kilalang angkan, lalo na’t naging Pangulo pa ang aking ama. Mayroong pros and cons ang ganitong kalagayan.

    Madalas lalo na sa mga civil society ay may bias agad at negatibo kaagad ang tingin, at hindi nakikita ang sariling nagawa at paninindigan.

    Nguni’t umasa kayo na sa aking huling termino bilang punong lungsod ay susubukin ko pang gawing huwaran ang aming munting lungsod na magsilbi na ring halimbawa kung paano ang tunay na paglingkod sa bayan. At ako ay patuloy na maninindigan hangga’t di nakakamtan ng masang Pilipino ang tunay na Kalayaan.

    Muli ay maraming salamat sa inyong pakikiisa sa blog Young Turks.

    JV Ejercito

  10. notrust said,

    June 1, 2008 at 1:24 pm

    JV, sana tutoo yun mga sinabi moh galing sa puso. nakita moh naman anong ginawa ng tatay moh na sana sya na sana yung hope of the nation. pero frustration ang labas. ngayon si gloria. ganun din. sana ikaw total paradigm shift kah magpakababa para siguro ikaw ang future hope of the nation kasi sino pa naman wla na akong trust kaninoman. but saiyo at sa mga young turks moh n new generation of leaders…i will give a try..work out to lead our nation out of this misery

  11. Ferrum Mann said,

    June 2, 2008 at 3:15 pm

    Payong kapatid, JV, pagandahin at ayusin mo ng husto ang San Juan lalo sa natitirang 2 taon ng paglilingkod mo. Ipakita mo sa buong mundo na kahit ang isang maliit na siyudad na binabalewala ng administrasyon sa pag-ipit ng pondo nito, may kakayahan kang gawin ang tama, paunlarin ang buhay ng iyong mamamayan at patunayan na rin sa lahat ng Pilipino na ikaw, JV, kahit anak pa ng dating pangulo, ay may sariling disposisyon at kayang itaguyod at pagsilbihan ang kanyang nasasakupan. Palagay ko, pag nagawa mo iyan, lalong maniniwala ang masang Pilipino kung sino ang nasa matuwid at kung sino ang naka panig sa baluktot. Ang gantimpala, hindi mo man hingin, tiyak na darating.

    Kaunlaran ng masa, hindi ang pagka-bansot sa lipunan. Matayog na prinsipyo, hindi ang kapandakan ng moral. Mataas na antas ng serbisyo publiko, hindi ang mapang-unanong panlilinlang at pandurugas.

    Mabuhay ka, mabuhay kayo, tuloy ang laban para sa mahihirap!

  12. wehavenoname said,

    June 2, 2008 at 5:53 pm

    Ferrum Mann,

    Maraming salamat sa iyong payo. Tinatanaw kong malaking tulong ito upang mapagbuti pa ang aking paglilingkod. Di naman sa pagmamalaki nguni’t napalago ko ang budget ng San Juan kahit na walang suporta mula sa administrasyon. Kadalasan nga ay gininigipit pa at isinasangkot sa kung anu-ano. Nang maupo ako noong 2001, nasa P300 milyon lamang ang income ng San Juan, at sa loob ng pitong taon lumago ito sa P950 milyon.

    Nagkaroon ng tiwala ang mga negosyante at ang mga kababayan kaya ito ay lumago.

    Nais ko rin kunin ang pagkakataon ito na dalawin ninyo ang Museo ng Katipunan sa may Pinagalabanan na aking alay sa ating mga bayani lalo na si Andres Bonifacio. Dahil dito sa San Juan naganap ang unang bugso ng rebolusyon, ito ay binibigyan namin ng kahalagahan. Bagama’t maliit ito, pero ipagmamalaki mo na ikaw ay Pilipino na may dugong bayani.

    Mabuhay ang masa! Tuloy ang laban hangga’t makamtan ang ganap na kalayaan!

    Para sa Bayan,

    JV Ejercito

  13. Yuko said,

    June 3, 2008 at 11:19 am

    JV,

    If you get the chance to come to Tokyo, give me a call and I will introduce you to the governor of Tokyo, and the mayor of the Shinagawa Burough where I reside. They can give you a random tour of how they do things over here. I can ask for a special tour for you, too, at the Tokyo Metropolitan Police Department so you can have an idea of why despite its big population, etc., Tokyo remains safe and orderly. Walang kuratong bulotong!

    Give me at least a week to make the appointment with the Governor Ishihara of Tokyo, and a day or two with our Mayor and the police. I bet you that you have a lot to learn from them to help you make your city a model city.

    Walang bola, but based on what I have observed and heard, mukhang OK ka. Ipagpatuloy mo.

  14. wehavenoname said,

    June 3, 2008 at 12:03 pm

    Yuko,

    Thank you very much! I’ve been to Yokohama and Fukuoka, and briefly to Tokyo, Japan is really clean, orderly and safe. One day I will try to go and learn how they do it.

    Pag umuwi ka rin at magbakasyon, don’t forget to drop by San Juan, so that you can see for yourself how far it has gone. Malayo pa compared to Tokyo but we are trying to make it a model community here in our country.

    In 2006, San Juan was adjudged the Best Fiscally managed Local Government Unit in the Philippines. We likewise hold the distinction of having the lowest poverty incidence with less than 3% according to the National Statistics Coordinating Body.

    Plus, I will show you the Museo ng Katipunan, which enshrines the gallantry and heroism of our Katipuneros.

    JV Ejercito

  15. Yuko said,

    June 3, 2008 at 1:32 pm

    JV: Plus, I will show you the Museo ng Katipunan, which enshrines the gallantry and heroism of our Katipuneros.

    *****
    I like that. I majored in History as a matter of fact (UP and Oxford U). Mahilig ako sa pagsaliksik ng katotohanan sa kasaysayan ng bansa lalo na sa Pilipinas at sa KKK kasi KKK ang lolo ko na kamag-anak ni Gen. Antonio Luna.

    Just let me know when you are coming, and I’ll arrange those trips for you. Para sa bayan, OK. No strings attached. Tanong mo ako kay Senator Pimentel. He knows me very well.

  16. JV Ejercito said,

    June 4, 2008 at 2:13 am

    Yuko,

    It is sad that even in our history, the masses were not given importance. When we decided to build the Museo ng Katipunan here at Pinaglabanan in San Juan (site of the first battle of the revolution) i found out that it was Andres Bonifacio who doesn’t have his own museum. I was so surprised that the leader of the Katipunan and the Katipunan itself does not have their own. It is really something to see. I hope you can check it out when you go home.

    By the way, do you get to go home every year?

  17. Yuko said,

    June 4, 2008 at 10:17 am

    Home to me now, JV, is California, so, I don’t go to the Philippines except when it is really that necessary as when I attend conferences or get involved in some advocacy. I go to the USA every year, though, to spend Christmas with my mother, siblings and relatives.

    Truth is I plan to go to the Philippines when Koko Pimentel succeeds in getting his rightful place in the Senate. I’ll be travelling with friends who supported him and the Opposition as a matter of fact during the election. When I do, you bet, I’ll go and visit you.

    I need to thank your Dad in fact for pushing for the reduction of the sentence given to the Japanese prisoner, Hideshi Suzuki, on Death Row, and the project that I wanted to do with him as a matter of fact during his reign regarding the street children. Sayang nga hindi natuloy because of the power grab.

    You bet, I surely would love to see your Museo ng Katipunan. i agree. There should be a museum for the Bonifacios like what they have in England for instance for famous people who can inspire the British youth. Magandang panggising ng damdaming makabayan iyan sa totoo lang.

    Nakakahiya man sabihin but I’ve never been to San Juan. You’re actually giving me an idea. I can try to recommend a sister-city tie up between your city and our burough but I have to see it first. Then, you can probably come here to meet with our Mayor about it.

    Let’s see what we can do to wake up the sleeping Filipinos even just to kick out the power-grabber I call “criminal.” :-P

  18. Yuko said,

    June 4, 2008 at 3:07 pm

    JV: It is sad that even in our history, the masses were not given importance.

    ******
    Problem with the Filipinos, JV, is that even in the choice of their national hero, they allowed the Americans to make the decision for them, and then relegate the others to obscurity.

    Truth is I love to read Rizal, but I thought Bonifacio should have been made the national hero because he represents the majority of Filipinos even just to encourage them to be as enterprising and fearless as he was, and that one does not have to be well off to be a hero!

    Come to think of it. The only shrine they have for the Katipuneros I know in fact was the monument in Caloocan that the Mayor there even wanted transferred elsewhere. Walang sense of history kasi.

    When I was a student in UK, I used to do a lot of walking tours visiting houses of famous people like the house of Shakespeare in Stratford Upon Avon, the house of Jane Austen in Hampshire near the famous Winchester Cathedral, or the house were Charles Dickens stayed in London. They were very educational and entertaining. I won’t say though that it can lessen the occurrence of crimes, but it surely can help one to develop better taste and outlook of life. They can try doing that in the Philippines. Problem is puro magnanakaw naman kasi! Kung magpasikat naman, puro labas lang kasi.

    You surely can do that in your city. Kita ko nga ang ipinagmamalaki ng tatay mo doon sa movie niyang “To Live for the Masses.” Kung ganyan sana sa lahat ng lugar sa Pilipinas, pihadong hindi na magmumukhang kawawa ang mga pilipino.

  19. wehavenoname said,

    June 4, 2008 at 6:36 pm

    Yuko,

    I am sure you will love the Museo ng Katipunan! It was really intended to give importance to Andres Bonifacio and the Katipuneros’ heroism.

    You are really right, even the choice of our national hero was not our choice, but the Americans.

    As long as there are people like us who have strong patriotism, we will keep the fire burning!

    Para sa Bayan,

    JV

  20. Josephine Kobayashi said,

    July 11, 2008 at 1:17 pm

    Hi JV, kilala ko ang father mo at kilala niya ako. Lumabas din ako sa production ng uncle mo si Jessie, At nakasama ko din si Uncle mong George.Itanong mo ang pangalang Yvonne 1970`s. Kaya isa ako sa hindi naniniwala na magnanakaw ang father mo. Mabuting tao siya. Maari may mga pagkakamali siya, pero yung pagkakamali niya ay hindi nakakaperwisyo sa sang bayanan. Pero magnanakaw HINDE!!! Kaya lang wala na tayong magagawa may mangaagaw nadumating. Kaya ikaw JV ikaw na lang ang magpatuloy kung ano mang inumpisahan ng father mo. Malaki ang tiwala ko sa iyong kakayahan.Alam ko na darating ang araw may magagawa ka sa bayan natin! Nasa likod mo kami.Basta ipangako mo lang sa amin na ituloy mo ang laban. Kailangan na tanggalin ang mga linta at buwaya sa gobiyerno. Harinawa magtagumpay ka sa mga layunin mo na mapaganda at para palayain ang bansang pilipinas. Lagi kitang ipagdadasal.Sana dumating ang araw matupad na natin ang pangarap ng mga pilipino na maging malaya na tayo sa mga taong walang alam gawin kundi ang mangurakot at pahirapan ang mga kababayan natin.

  21. dhang ferrer said,

    September 1, 2008 at 12:13 pm

    i’m sorry if i’m using this page to communicate with ms. josephine kobayashi. hello there. i need to ask you a few questions about Louie. If you are willing to communicate with me, please email me at alex_ferrer09@yahoo.com. i would really appreaciate your time regarding this matter.. thank you so much.. Dhang Ferrer

  22. Leo Cesar Talens said,

    October 26, 2008 at 1:22 pm

    Hi po to Mayor JV,

    I can sense your sincerity in extending your every effort, either in official capacity or personal capacity. I know you will have a long way to go for you’ve been intstrumental in making a difference in your constitutuent’s life. I may not be a bona fide San Juan resident, but you have earned my respect not because you’re the son of a former president, but simply because what you have done, what you’re doing and your directions for future are so evident most especially to the common tao.

    By the way, please allow me to plug my gratitude to your Dad, when I learned through this blog or so, on your conversation with certain Yuko, that through your father’s effort, the reduction of the sentence (from death penalty to life imprisonment and with a monetary penalty of 10M to 1M) of my Japanese friend, Hideshi Suzuki was granted. I can only hope that this effort of extending help to my friend be once more extended as he appealed for deportation proceedings which accordingly, was endorsed to DFA in coordination with DOJ for more than a year now. Ngayon pa lamang, nagpapasalamat na po ako. and for Yuko, I admire your being, kahit di ko pa kayo nakikita or nakikilala as I can sense your being sensitive sa mga bagay bagay na may kinalaman sa ating lipunan. Let me give my email, just in case lang po na you’ll find interest, especially po sa kay Hideshi. lctalens@yahoo.com or leo.talens@activeonehealth.com


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: