Serving the Youth

It has been always been an honor for me to serve the youth and being a youth leader in the past, as past National President of the Junior Chamber of the Philippines or JCI-Philippines (formerly Philippine Jaycees), and as National Chairman of Kabataan ng Masang Pilipino, and other youth organizations, it has been a commitment for me to hold on with the passion to assist our youth, kahit pumuti na ang buhok ko. Although I belong to a political family, I have never let politics get in the way of my passion of serving the youth sector.

It will be a big challenge on how to convince the majority of our youth to be dedicated and take part on what is happening to our country. Based on my experience, as I have gone around the country, the youth will move as long as there would be programs and projects that would interest them. But unfortunately because of lack of effective youth programs, the majority of our youth remained apathetic.

This generation is hounded with political and economic crises, the youth should not lose hope to act and affect change for the nation. Even during the last issues concerning scandals in the current administration, the youth was at the forefront in the quest for truth. That was when I told myself, there is still hope, since the youth was now at the frontline of the communal action. It was a great feeling that the political, business, and religious personalities had to take a back seat and let the youth take the lead in the activities. May pag-asa na, sapagka’t kumilos na ang kabataan!

Gone are the days when the youth are just enthralled with gimmicks, night outs, malling, and even vices. Sana ay ang kabataan ngayon, gamitin ang pag-gigimik sa pakikihalubilo at pakikipagkaibigan sa kapwa kabataan para sa makabuluhang gawain. Ang it is also a good thing that we are blessed with the new technology that we can utilize for disseminating information, expressing our views and participating in the endeavors for the betterment of our nation.

Laman na ng mga blogs sa internet at You Tubes ang mga hinaing, mga pananaw at suhestiyon ng mga kabataan para sa ikabubuti ng ating bayan.

That is why some of the Filipinos are inspired to follow through, yung mga hindi tinatablan na kumilos at makiisa sa mga proyekto para sa bayan at nananatiling nakapiring ang mga mata, nagbibingibingihan at mistulang mga pipi na di nakapagsasalita, ay sobrang manhid na lamang talaga.

Kaya naman ang hamon ko sa ating mga kabataan ay ang mapanatili sa inyong lahat at mapatunayan na nasa kabataan ang pag-asa ng bayan!

The Filipino Youth have long been recognized as achievers, intelligent, talented and success-driven.

Ang dunong ng kabataan ang siyang magpapaunlad tungo sa tunay na kalayaan ng Pilipinas, kalayaan sa kahirapan, sa pagsasamantala ng naghaharing uri, at sa anumang kaguluhan. Ang ating sama-sama at nagkakaisang pagsisikap ang magbabangon sa mga Pilipino hindi lamang para sa pansariling kasaganahan ng ating mga pamilya nguni’t para sa kaunlaran at kapayapaan ng buong bayan.

Kilos na Kabataan, Palayain ang Bayan!

Para sa Bayan,

JV EJERCITO

9 Comments

  1. johnelyn said,

    May 3, 2008 at 5:16 am

    ang kabataan kailanman ay hindi mananahimik. dadalhin namin ang naglalagablab na sulo hanggang sa tagumpay!

  2. jay said,

    May 3, 2008 at 7:33 am

    Mayor JV Ejercito is one of the bright stars in the opposition. Although he comes from the famous or infamous Estrada clan, he has shown dedication and that he can step out of the shadows of his father and brother by becoming a TOYM awardee for government and public service.

    Its a good thing that he is not like his brother Jinggoy.

    I am glad that he his part of the Young Turks. An achiever like him should be an asset to this group.

  3. May 3, 2008 at 7:57 am

    But more than serving the youth, the basic premise should be “serve the people”. It is more than enough to say that there is a looming apathy among others, the youth notwithstanding. But the urge, one that is either inspired or mad, to stand on one’s feet and meet the challenges remain. I know that this blog is a blog of the (genuine) opposition. And I am neither administration nor opposition. I am for the people, and to think that there are ideas being put forward to address the current issues, whether they be coming from one or the other, is more than enough to think that the impetus to act is still there.

  4. johnelyn said,

    May 3, 2008 at 1:00 pm

    maria baleriz–

    Ayon na din sa ating kinamulatan, ito ay isa sa mga karapatan ng bawat mamamayan. Batid ko na kakatigan ninyo ako sa gayong paniniwala. Sa kabila nito, hindi rin natin maipagkakaila ang katotohanan na may katapat itong bayad halaga. Isa ito sa mga dahila kung bakit nagpapakahirap sa pagbabanat ng buto ang mga magulang para lang mapag-aral ang kanilang mga anak. Ganoon na lamang ang pagpapahalaga sa edukasyon na itinuturing itong natatanging pamana na hindi matutumbasan ng kahit anong yaman o pera.

    Kailangan mong harapin ang edukasyon. Naaalala mo ba? Madadalas ang paglapat sa iyo ng sinturon o patpat ni tatay kapag hindi mo hinarap ang iyong pag-aaral o leksyon. Halos walang pagpipilian di, ba? Kahit gusto mong maglaro ay hindi maaari hanggat hindi tapos ang iyong leksyon. Labag man sa kalooban mo ay kailangan mong sumunod. Sa kabila ng lahat, naniniwala ako na kailangan talaga nating matuto. Dangan nga lamang, ang mga kaalaman at aral ay hindi lamang sa mga aklat at kwaderno natin matatagpuan. Hindi rin lahat ay sa paaralan matututuhan. Hindi ito kinakailangang manggaling sa apat na sulok ng silid-aralan.

    Ninais mong maranasan ang mga bagong inaalok ng buhay na hindi mo mararanasan sa paaralan. Natuto kang lumiban sa iyong mga klase dahil dito. Nakilala mo ang paninigarilyo at ang pag-inom ng serbesa. Natanto mo kung paanong magsugal at maging suki ng mga bahay aliwan at mga motel. Halos maging tambutso ka sa bawat hithit at buga mo sa sigarilyong bago mong kinahumalingan. Nalulong ka din sa mga larong inaalok ng makabagong teknolohiya. Lumipas ang oras mo sa paglalaro ng bilyar. Sa labas ng paaralan mo natikman ang iyong “unang karnasan”. Tila tatakasan ka ng iyong bait kapag hindi ka lumabas o lumiban ng klase para lang gawin ang mga bago mong natutunan. Nagawa mo ding mag-imbento ng iba’t-ibang dahilan para maisakatuparan ang nais. Huwag ninyo sana akong masamain sa mga tinuran kong ito. Hindi masama na tlakayin ang mga katotohanang ito. Lahat ng aking nabanggit ay pawang bahagi din ng atig pinapahalagahang edukasyon. Isa itong realidad na dapat din nating harapin. Subalit sa lahat ng ito, naitanong mo na ba kung bakit ba kailangan pa nating mag-ral? Bakit tayo kailangang magpakadalubhasa bilang mga manggagamot, mambabatas o inhinyero? O kahit anong propesyon ang mapili mo? Naalala mo ba kung nasagot ang mga tanong na ito? Kung bakit tayo nagkakabisado ng mga prinsipyo at mga klasipikasyon ng mga bagay-bagay? Nasa iyong kapasyahan kung sasagutin mo ito. Maging ano man ang iyong tanong sa mga katanungang ibinahagi ko, sa kahit saan mo tingnan, duduo ka pa din sa pag-iisip na kailangan mong tanggpin ang edukasyon sa kahit anong paraan mo nais at kakayanin.

    Sa kasalukuyan, maging magpahanggang noon, ang edukasyon ay bahagi na ng buhay. Ito nga lamang ay isang bahagi patungo sa higit pang miserableng buhay. Dahil na din sa edukasyon na ito kung bakit nagkakaroon ng pagsasamantala at kahirapan na pinasasahol pa ng sistemang umiiral. Sistemang nakadisenyo para sa pangangailangan at paglilingkod sa mga dayuhang bansa partikular ng IMPERYALISTANG estados unidos.

    Mayroon pa bang katotohanan na kapag natapos mo ang edukasyong dapat mong makuha para sa propesyong iyong napili ay bubuti na ang estado mo sa buhay? Ikaw na din ang makakasagot nyan. Kahit ang tugon mo ay ibabatay mo sa kung ano ang nasaslamin mo sa labas ng paaraln: ang kalagayan ng sambayanan. Hindi mo kailangang maging matalino para malaman na hindi na garantiya ang diploma para mapaganda ang iyong estado sa buhay.

    Ang edukasyon ay hindi sa apat ng sile-aralan umiinog at nagtatapos. Sa lansangan ito umuunlad. Sa piling ng masa mo magagalugad ang epektibong edukasyon. Edukasyong hindi kayang itaguyod at ibigay ng gobyerno, kahit pa ng paaralan para sa mamamayan. Sa halip na ibigay ang karapatan para sa tunay na kalidad ng edukasyong dapat matamo, pinagsasamantalahan pa ng gobyerno ang mamamayan kakuntsaba ang mga kapitalistang nagpapangagap na edukador. Hindi ko sinasabing talikuran mo ang iyong pag-aaral sa paaralan. Nais ko lang ipaabot sa iyo na kailangan tayo ng ating bansa. Tayong mga kabataan ang susi para makamtan ang tunay na pambansang demokarasya at mga karapatan. Upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Sa nabubulok na sistemang malaganap sa ating lipunan ngayon, inuudyok tayo at tinutulak nito para pakawalan ang napupuno nang galit sa dibdib. Ang militansiya ay naghihintay sa atin upang ating punuan mga kapwa ko mag-aaral. Lumahok sa mga pangmasang organisasyon na nakikibaka para sa pambansa-demokratikong karapatan. Isa ako sa estudyanteng lumalabas sa lansangan kapiling ng mga magsasaka, manggagawa, at mga aktibistang naghahanap ng pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. Hinihikayat ko kayong sumama. Palayin ninyo ang progresibong bahagi ng inyong pagkatao sapagkat ang progresibong pagkilos lamang ang magsasakatuparan ng tunay na pagbabago sa nabubulok na sistema sa lipunan at edukasyon. Pagbabago sa lipunan kung saan ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong humihirap.

    Isa akong mag-aaral. Sa kabila nito ayaw kong magpakahon sa tradisyunal na paniniwalang ang isang mag-aaral ay yaong pumapasok sa paaralan at nauupo lang sa loob ng silya ng kanyang silid aralan. Nais kong basagin ang konseptong ito. Masyadong gasgas at bansot. Nais kong patunayan na higit pa dito ang mag-aaral. Hindi tayo mag-aaral ngayon dahil nais nating magtapos at magkatrabaho upang yumaman. Mag-aaral tayo dahil nais nating magtapos para tulungan at palayain mula sa pagsasamantala ng mga naghaharing-uri at imperyalistang bansa ang masa. Ang sambayanan. Ang ating bansa. Hindi ka magtatapos para sa kikitain mo kundi para paglingkuran ang sambayanan.

    Maaaring sa itinatakbo ng aking mga sinasabi ay nasasalamin mo ang aking labis na pagkasuklam sa sistemang mayroon tayo sa ating edukasyon. Hindi mo ako masisisi. Kung susuriin mo kasi, naglilingkod ang sistema ng ating edukayon para sa kapakinabangan ng mga DAYUHANG bansa. Hindi ko nais lunukin na lang ng pagkadisgusto ko sa sistemang ito. Bilang estudyante ay kumikilos din ako para sa pagbabago ng nabubulok na sistemang ito. Ang gulo no? Hindi. Ikaw lang ang nagpapagulo dahi ayaw mong panlawakan ang iyong isipan at tanggapin ang katotohanang kahit estudyante ka ay may maiaambag ka sa pagbabago para sa sambayanang PILIPINO. Ayaw mong unawain dahil makasarili ka. Sumusunod ka sa agos ng sistema dahil may sarili kang interes. Ang tagumpay ay hindi laging pagsunod sa direksyon ng agos. TANDAAN: ang saranggola ay hindi matayog na pumapailanlang sa himpapawid dahil sa sumusunod ito sa direksyon ng hangin kundi dahil sa tinutungagali nito ang direkyon ng pag-ihip ng hangin. Hindi nakatadhana ang lahat. Ikaw ang gumuguhit ng magiging anyo ng iyong tadahana.

    Ang pagtatamasa ng isang mahusay na edukasyong makamasa, makabayan, at syentipiko ay karapatan ng bawat mamamayan. Subalit kong ito ay ipinagkakait ng gobyerno at ng sistema paano na ang mga kabataang PILIPINO na isisilang pa lang? Ang kasagutan ay nasa iyong pagpapasya at magiging hakbang. Nasa iyong lahat ng kalayaan upang magdesisyon. May isa lang akong hiling. Pag-isipan mo na ding isama sa mga isasaalang-alang mo sa pagbuo ng iyong desisyon:

    “ang kasalukuyang kalagayan ay bunga ng mga naging desisyon sa nakaraan. Hahayaan mo pa bang sumahol?”###

  5. Oskie said,

    May 4, 2008 at 8:21 am

    I am a resident of San Juan, and I am a witness to the kind of governance of our Mayor JV Ejercito. The landscape of San Juan has completely changed ever since he took over from his brother. From a sleepy town in Metro Manila, San Juan is now considered one of the best performing cities in the country.

    Sa streetlights, The Arena, Greenhills redevelopment, beautiful fire trucks and police cars pa lang, panalo na!

    Keep up the good work!!!

  6. Oskie said,

    May 7, 2008 at 5:59 pm

    I will support the Young Turks should they pursue their bid for the Senate. Most of them are young, idealist leaders which gives us hope for a new breed of politics.

    I will definitely support Mayor JV, who has sacrificed himself last election. He has shown what public service is by making San Juan one of the best performing cities in the country. Not to mention, he has been named as a TOYM awardee last year for government service.

    I will campaign for you Mayor!

  7. Iyham said,

    May 10, 2008 at 12:24 am

    Sentimyento ng isang nars

    Paano nga ba maging isang nars? isang tanong na kahit ako bilang isang Nars na ay nahihirapang sagutin. Hindi madali ang pagdadaanan ng isang tao upang matawag siyang isang Nars, ngunit lalong hindi madali kung papaano niya gagampanan ang bokasyong ito. Kamakailan lang, kami ay nagtapos ng kursong Narsing sa isang kilalang unibersidad sa Bulacan. Naaalala ko pa ang lahat ng hirap na pinagdaanan namin upang matapos lamang ang kurso na ito. Halos wala kaming bakasyon dahil pati summer ay may pasok kami. Hindi kami nakakatulog ng mabuti dahil kailangan naming magbasa o kung hindi man, kailangan naming tapusin ang mga paperworks na kailangang ipasa kinabukasan. Masyadong pagaaral ang ginawa namin, bagay na nuon lang yata namin ginawa. Minsan, pagnatulog ka, napapanaginipan mo na nga yung mga inaral mo. Maiiyak ka na lang pagkagising mo dahil sa inis na pati ba naman sa panaginip ayaw kang lubayan nang libro. Hupa ang katawan sa tatlong araw na sunod-sunod na duty sa ospital. Pagdating sa bahay, gustuhin mo mang makapagpahinga pero hindi pwede kasi madami ka pang aralin na kailangan mong tapusin. Pagdating sa pera, sobrang gastos din. Mahal ang tuituion fee, mahal ang mga libro, syempre palagi kang dumuduty kaya mahal din pati baon mo. Mababaon ang pamilya mo sa utang kasi sasabayan pa nang gastos sa review center. Yung mga magulang namin, naiiyak na lang kasi nauubos ang lahat nang ipinundar nila para lang mapagtapos kami. At heto na nga, nakapagtapos na kami. Kumuha kami ng board exam pra maging lisensyado na , at sa awa ng Diyos nakapasa kami. Sa panahon na ito, pwede na kaming tawagin bilang isang Nars, bagay na nagpagalak samin ng sobra-sobra. Ang saya! kasi lahat ng paghihirap namin ay nagbunga na kahit papano. Nars na nga kami…. Pero, paano namin gagampanan to? akala namin madali na ang lahat pag naging Nars ka na, un pala ang pinakamahirap na parte, ang makahanap nang institusyong maiaaply mo ang iyong natutunan. Ang iba sa amin nkapagtrabaho bilang nars talga, pero yung iba, sa call center napunta, yung iba naman, ilang buwan ng Volunteer, yung iba nagtuturo ng mga caregiver, at ang masakit sa lahat, marami sa amin ang wala pang trabaho hanggang ngayon. Npakasakit isipin na sa lahat ng paghihirap nmin, gastos, puyat, pagod, sakripisyo ay ito pala ang naghihintay na kapalit. WALANG MAPASUKANG TRABAHO. Kung meron man, UNDERPAID. Nars na nagttrabaho ng 12 oras/araw at sasahod ng 133 piso/araw. Kaawawa ang aming kalagayan. Ang masakit nun, walang makatulong sa amin. Paano mo gagampanan ang pagiging isang Nars kung wala ka namang pagaaplyan nito. Paano ba kami matutulungan ng mga dati naming eskwelahan? paano kami matutulungan ng gobyerno? paano kami matutulungan ng mga kinabibilangan naming organisasyon? paano namin tutulungan ang mga sarili namin? paano namin mababawi ang bagay na isinakripisyo namin at ng pamilya namin para lang makapagtapos kami? Sasabihin pa rin ba nila na “nursing, service to humanity?”, kung ang sarili mong pamilya ay hindi mo mapagserbisyuhan, kung ang pamilya mo ay walang makain o ang dating lupang inyong tinatayuan ay pagaari na ng iba dahil isinanla pangpaaral mo? Sasabihin pa rin ba nila na “u nid to stay here(philippines) for at least 1 year”, kung ang paglalagi mo dito ay nangangahulugang magiging isang tambay ka lang dahil wala ka rin namang mapapasukan ditong trabaho? Kung maghahanap kami ng trabahong hindi ung pinagtapuasn namin, hindi ba ninyo panghihinayangan yun? kung aalis kami dito, masisisi nyo ba kami? Kung nagsusulat man ako ng ganito, maiintndihan nyo ba ang rason? MABUBUKSAN BA ANG ISIP NYO SA KATOTOHANANG NARS KAMI, PERO HINDI KAMI NARS?

  8. johnelyn kim said,

    May 28, 2008 at 10:56 am

    for iyham,

    dahil ang sistema ng edukasyon ay bulok, kolonyal at pasista, hndi talaga maiiwasan na itulak ka nito palabas ng iyong bayan..

    yun at yun din naman ang lagi kong sinasabi., well lagi naming sinasabi.. ang tinutulak ng gobyernong edukasyon ngayon ay edukasyong hndi matutugunan ang pangangailangan ng ating bayan bagkus ay sa mga dayuhan..

    history check.. sino ba ang nagpatayo ng mga eskwelahan dito? diba ang mga amerikano? ang mga dayuhan? itinayo ang up para lumikha ng mga uupo sa gobyerno na magiging papet nila (well minalas sila sa ibang estudyante i think) ang pnu para sa mga teachers para sa kanila, ang tip para sa mga taong mahusay sa teknikal na gawain upang pagsilbihan pa rin sila

    hndi cla maglalagay kahit kailan ng mga bagay na makakabawas ng ganansya nila

    oh c’mon hanggat ganito ang sitema ng edukasyon, patuloy tayong huhubog ng mga kabataang makakapagtapos para umalis ng bansa..

    nakakaiyak isipin, na naiisip ko ang mga bagay na to. mga politiko, ano bang gngawa nyo?

    all the students are flying to other countries., some on the streets., some on the mountains.. those who are left inside their classrooms probably have the same destiny..

    desisido aqng tapucn ang edukasyon ko..
    not to boast it..
    but to prove myself..

    na hndi ito ang uri ng edukasyong nais kong ipamana sa sususod na henerasyon..

  9. johnelyn kim said,

    July 31, 2008 at 1:18 pm

    FOR THE YOUTH WHO DARES TO STRUGGLE!

    Para sa Estudyanteng Nakikibaka
    Ni DANILO ARAÑA ARAO

    Hindi ito sermon mula sa nakatatanda kundi isang munting paalala.

    Alam mo na ang iskedyul ng mga kilos-protesta mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng semestre ngayong Marso. Malamang na magpapatuloy pa ang mga ito hangga’t ang Pangulo ay hindi pa bumababa sa puwesto.

    Inaasahan kang makiisa sa mga ito para ipakita sa mga nasa kapangyarihan ang malawakang pagtutol ng mamamayan sa katiwalian ng pamahalaan at pangkalahatang kabulukan ng sistema.

    Nasa iyo ang desisyon kung hanggang saan mo gustong dalhin ang iyong pagkilos. Sa isang lipunang “normal,” tungkulin ko bilang guro na sabihan kang unahin ang pag-aaral dahil ito ang pundasyon ng iyong magandang bukas.

    Pero alam mong malayo sa “normal” ang ating kalagayan, at wala akong karapatang sabihing magkakaroon ka ng magandang bukas dahil lang sa nakapagtapos ka ng pag-aaral. Bilang estudyanteng may mataas na antas ng kamulatan, alam mong ang pagtatapos ng pinili mong kurso sa kolehiyo ay hindi awtomatikong magpapaunlad sa iyong buhay.

    Sa katunayan, mula sa pagiging kasama sa mga kilos-protesta, baka magiging kasama ka na lang sa lumalaking bilang ng mga walang trabaho. O mas malala pa, baka magiging kasama ka na lang sa nabigyan ng trabaho kapalit ng iyong prinsipyo.

    Ito ang dapat mong iwasan – ang pagkawala ng pakikibaka sa iyong pagtanda.

    Marami na akong kakilalang seryosong kasapi ng parlamento ng lansangan na naging seryosong empleyado ng tubo. Tuluyan na nilang kinalimutan ang kahalagahan ng pagkilos, at kasama na sila sa kumokondena sa mga nangyayaring protesta bilang “simpleng pinagdaraanan lang ng kabataan.”

    Napapailing na lang ako sa kanilang katwiran: “Dati rin kaming aktibista, pero namulat kami sa katotohanang mahirap baguhin ang sistema. Kailan din naming kumita para sa pamilya, kaya mas mabuti pang isipin na lang ang sariling pag-unlad kaysa mapaos sa kasisigaw sa mga problemang mas matanda pa sa atin.”

    Sigurado akong may mga kakilala kang may ganitong aktitud na kumukumbinsi sa iyong kalimutan na ang pagmamartsa dahil ang iyong pagsigaw ay pansamantala lang ang alingawngaw. Kahit sabay-sabay kayo, lulunurin lang ng ingay ng tao’t sasakyan sa lansangan ang anumang mensaheng nais ipahatid. Ang nakararami diumano ay may praktikal na pangangailangang kumita para gumanda ang buhay ng pamilya.

    Malamang na may mga panahong nagdududa ka kung tama ba ang pinili mong tahakin. Habang ang mga kaklase mo’y pinoproblema lang ang kasiyahang gagawin sa pagsapit ng gabi, nakikipagpulong ka sa iba pang kasama para sa mga susunod na pagkilos. Sa halip na malasing sa alak at basta na lang tumumba sa tindi ng tama, pinipilit mong magising sa tapang ng kapeng iniinom para labanan ang antok.

    Mula sa iilang nakatatandang alam ang iyong pinagdaraanan, maniwala kang may dahilan para ipagpatuloy mo ang ganitong buhay. Sana’y huwag kang magpadala sa pambubuyo ng mga walang pakialam. Sana’y huwag kang matukso sa kinang ng salapi sa oras ng iyong pagtatapos sa kolehiyo. Patuloy mong tingnan ang pag-aaral hindi lang sa loob ng klasrum kundi maging sa labas nito.

    Sa panahong katulad nito, lubhang kailangan ang mga katulad mo

    http://WWW.LFS.PH


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: