Ka Bel

Ang inyong lingkod ay lubos na nakikiramay sa pagpanaw ni Crispin “Ka Bel” Beltran. Sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasama sa pakikibaka, ako po ay nakikidalamhati.

Sa ilang taong pakikibaka at pagsama ko sa mga kilos protesta laban sa mapaniil na rehimeng Arroyo, si Ka Bel ang isa sa madalas na kausap at kabatian ng inyong lingkod sa lansangan. Napakabait, bibo, at napakasarap na kausap. Sa mga lider ng militanteng grupo, siya ang isa sa mga tunay na niririspeto ng inyong lingkod.

Ma-mimiss ko ang mga kwento ni Ka Bel tuwing nasa lansangan.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang ipinaglalaban ni Ka Bel para sa manggagawang Pilipino!

JV Ejercito

7 Comments

  1. johnelyn kim said,

    May 29, 2008 at 11:06 am

    mabubuhay si Ka Bel sa bawat Pilipinong pinagsasamantalahan at sa bawat manggagawang nagpasyang lagutin ang kanilang tanikala! taas kamao ka bel!

  2. JV Ejercito said,

    May 29, 2008 at 1:06 pm

    johnelyn,

    Kung nabubuhay lang sana si Ka Bel, tanungin mo ang aking pagkatao. Naging malapit ako sa mga lider ng pakikibaka, at nakilala nila ang tunay na paninindigan ng inyong lingkod.

    JV Ejercito

  3. johnelyn kim said,

    May 30, 2008 at 2:53 am

    napakahaba pa ng panahon para patunayan ang nasabing paninindigan. di lamang sa mga lider ng pakikibaka kundi sa masang dapat nating paglingkuran.

    taas kamao para sa ating lahat.

  4. Yuko said,

    May 31, 2008 at 1:47 pm

    Isa ako sa supporter ni Ka Bel. Sa totoo lang, ilan beses kaming nag-rally dito sa Japan para sa kaniyang paglaya nang iniipit siya ni Gloria Dorobo at iyong unconfirmed Secretary of InJustice niya.

    Maraming nalungkot sa pagyao niya sa totoo lang. Si Ka Bel ang ehemplo ng tunay na tagapaglingkod na bayan. Kaya ano iyong panukala nilang hindi puedeng tumakbo ang isang katulad niyang hindi nakatungtong ng pamantasan? Ang mahalaga ay naiintindihan niya ang lahat ng panukalang inihahain niya sa Kongreso di tulad noong kapatid ni Miguel Mandarambong na wala na yatang ginawa sa Kongreso kundi murahin at harangin ang lahat ng puedeng magpatalsik sa kanila.

    Iyon naman hinaing ng mga mahihirap sa totoo lang ay di naman kailangan ang college degree para maintindihan.

    May he rest in peace. Sana marami ang gumaya sa kaniya sa pakikipaglaban para sa kanilang karapatan.

  5. Yuko said,

    May 31, 2008 at 1:52 pm

    Sa totoo lang mabuti na rin siguro iyong nangyari para matahimik na si Ka Bel at hindi na guluhin ni Gloria Dorobo and Company. Gabayan na lang niya sa kabilang buhay ang mga matatapang na kasama niya sa movement nila para sa kapakanan ng mga mahihirap at naaapi. Who knows, baka ito na ang simula ng talagang pagbagsak ng mga power grabbers sa Malacanang?

  6. johnelyn kim said,

    June 1, 2008 at 10:07 am

    yuko,

    salamat sa pakikiisa..

    dun sa sinabi mo tungkol sa edukasyon, marahil ay di nya yun nakuha sa loob ng apat na sulok ng klasrum, ngunit napakayaman ng kanyang edukasyon sa malawak na lipunan kasama ang sambayananan.

    malawak ang bilang ng mga maralita ngunit ang nasa pamahalaan na nagrerepresenta umano sa kanila ay nasa naghaharing uri naman at nagpapasasa sa yamang nilikha ng mga manggagawa.

    mananatili si Ka Bel, para sa bawat isang patuloy na nakikibaka

  7. Yuko said,

    June 3, 2008 at 11:52 am

    Sinabi mo pa Johnelyn. Nakakahiya man sabihin pero sa totoo lang I got degrees from UP and Oxford U (UK) pero hindi ko halos nagamit, minsan lang nang magturo ako sa isang pamantasang pambansa sa Tokyo.

    Pagkatapos noon, full-time translator/interpreter/entrepreneur na lang na ang ginagamit ko naman ay iyong mga na-develop kong mga hidden talents ko hindi iyong titulo ko!

    Nakilala ko si Ka Bel sa totoo lang nang pumunta siya sa Japan. Awang-awa nga ako sa kaniya nang isulong siya ng Philippine Embassy sa isang problemang hindi naman niya linya. Buti na lang nasa tabi niya kami na nakakaalam ng mga problema ng mga pilipino sa Japan. Pero, boy, pag ang pag-uusapan ay ang kapakanan ng mga kapwa manggagawa at mahirap na mga kababayan niya, walang sinabi ang mga tituladong katulad namin na may mga M. A. at PhD (Dhil ang tawag sa UK) pa.

    I bet you, iyong pakendeng-kendeng na power-grabber, walang alam diyan. Nagkukunyari lang (swindling OK), at ipinaglalandakan lang ang PhD na nakuha daw niya sa UP na binaboy pa ng ungas.

    Tama ka, physically, Ka Bel is now six feet underground (or inside a niche above the ground) but his spirit lives. Iyong mga panukala niya, etc. buhay na buhay sa puso ng lahat na nakadaupang-palad niya.

    Tuloy ang laban!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: