A documentary on prostitution

To afford college education, a student resorted to prostitution. Her story is being told in this video documentary, shown in youtube and produced by the College of Mass Communication, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. This project is in support of PLM President Adel Tamano’s advocacy on education.

To watch the video, click on this link: http://www.youtube.com/watch?v=cssINDd-WUg

2 Comments

  1. Yuko said,

    June 9, 2008 at 3:59 pm

    Sad to hear that this still thrives today, I am not surprised. PWU was famous for this kind of thing decades ago. Point is how many of these prostitutes really get to graduate?

  2. johnelyn kim said,

    June 11, 2008 at 8:49 am

    EDUCATION NOT FOR SALE, WE ARE NOT FOR SALE.

    ilang beses ko na bang sinigaw ang mga katagang to? isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim? hindi ko na rin mabilang. kasama ang mga kabataang tulad ko ay pinili ang landas ng pakikibaka. ang landas ng pagkatuto, na hindi nakakulong sa mainit at maingay naming klasrum.

    kung tutuusin, napakaswerte ko. ang makapag-aral sa PLM, isang institusyon na kilala sa pagbibigay tulong sa mga mag-aaral, sabi nga nila “poor but deserving students of manila”.

    masuwerte ako, maging ang mga mag-aaral sa ibang state universities and colleges (suc), na hndi na kailangang ibaon sa utang ang buong buhay nila, para sa minimithing edukasyon.

    ngunit, hindi pa rin ito isang garantiya na magiging madali na ang lahat. patuloy ang budget cut na nagaganap ngayon sa mga SUC at lumilitaw na rin ang mga tuition fees sa mukha ng ibang bayarin tulad ng miscellaneous, college fee, librong matataas ang tubo, insurances na lagpas pa sa kalahati ang tubo, uniforms na lagpas sa talagang presyo nito ang sinisingil sa mga mag-aaral, papaano natin hahawakan ng mahigpit ang edukasyon na nagpupumiglas ng pilit papalayo sa ating mga kabataan?

    isa pa’y ang U.P bilang pangunahing unibersidad sa bansa ay nakaranas na ng pinakamatinding hagupit ng budget cut at maging ng tuition fee increase na pumalo na ng 300%. ang P.U.P. ay dumanas na din ng budget cut at nanganib na ding mabiktima ng pagtaas ng matrikula. salamat sa nagkakaisang pwersa ng mga estudyante na taas kamaong patuloy na ipaglalaban ang kanilang karapatan na tuluyan na atang nakalimutan ng rehimeng Arroyo.

    bakit hndi ba nakalaan sa edukasyon ang malaking badyet ng ating pamahalaan? bukod sa pagbabayad utang, ang sumunod ay inilaan na para sa mga militar? nakakapagtaka kung papaanong ang badyet para sa kanila ay hinigitan pa ang badyet sa edukasyon maging ang para sa kalusugan?

    bakit may giyera ba? bakit may national threat ba? bakit ang mga perang iyon sa disin sana’y ginugol para sa mga serbisyong panlipunan ay ginagamit upang tugisin ang mga sinasabing NPA doon sa kabundukan? hangga’t may nagsasamantala, hanggat may nang-aapi, patuloy na dadami ang bagong hukbong bayan kaya’t bakit hndi ugatin ang problema at di tumuloy sa pagyurak sa mga pantaong karapatan?

    kung ramdam ang hagupit sa mga pampublikong paaralan, ano pa sa mga pribado?

    ksabay naman ng pagsasanegosyo ng mga kapitalista edukador sa edukasyon, libo libong estudyante ang umaalis na sa mga pribadong unibersidad dahil na rin sa TOFI O tuition fee and other fee increases. taon taong pagtataas na hndi man lang ikinokonsulta sa mga mag-aaral na patuloy na nagiging biktima sa kanilang pangangalaga sa mahal nilang tubo.

    noong nakaraang Enero, nagsagawa ng isang kilos protesta ang hanay ng mga kabataan sa ginanap na Education Summit sa Manila Hotel. pinagusapan doon kung papaanong babawasan pa ang badyet ng edukasyon at kung papaanong binibigyang kalayaan ng rehimeng ito ang mga ganid na kapitalista edukador sa kanilang walang habas na pagtataas ng matrikula.

    ngunit sa halip na pakinngan ang tinig ng mga kabataan, sa halip na ibigay ang aming mga karapatan, hampas, tadyak, tulak at masasakit na salita ang iginanti ng mga mga pulis at ikinulong ang iba pa naming kasama.

    ito ba? ito ba ang mukha ng edukasyon? bulok? kolonyal at pasista? sila mang sinuwerteng magkamit nito ay nandoon sa lupa ng mga dayuhan at pinapakibanagan ang talino ng mga Pilipino.

    hanngat ang edukasyon ay hindi makabayan, sayantipiko at makamasang edukasyon, hanggat ito ay pribilehiyo at isang negosyo na lamang, wag na kayong magtaka, kung bakit kami ay mananatili sa lansangan.

    ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: