Bagsak

Ellen Tordesillas
http://www.ellentordesillas.com

Sabi ni Gloria Arroyo sa Baguio City noong isang araw, “Kung alisin ang VAT sa gasolina at kuryente, ano ang ipapalit sa P80 bilyon na kita na ginagamit para sa mahihirap>”

Hindi ko alam kung siya ay tanga o nanloloko?

Ang VAT o value added tax ay 12 porsiyento sa presyo ng gasolina. Ibig sabihin noon, sa bawat isang daang na binabayad sa gasolina, ang P12 ay pumupunta sa pamahalaan. Kung wala ang VAT, dapat P88 ang ibinayad sa halip na P100.

Hindi tama ang sinasabi ni Arroyo na ang mga maykaya lang ang apektado ng VAT. Bakit mayaman lang ba ang guumagamit ng gasolina. Ang mangingisda ay gumagamit ng gasolina tuwing magpapalaot sa dagat. Ang jeepney driver at taxi drive ay bumibili ng gasolina tuwing magpapasada. Ang may-ari ng sari-sari store ay gumagastos tuwing mamimili ng paninda.

Ang mga negosyante at ang mga may-ari ng mga factory ay tumataas ang gastos sa VAT. Siyemre babawiin nila sa kanilang produkto. Kaya makikita natin yan sa pagtaas ng presyo ng lahat na bilihin: gulay, isda, karne, gatas, damit, gamit sa paaralan. Lahat na gamit.

Lumalangoy si Arroyo sa pera dahil sa VAT. Siya mismo ang nagsabi P80 bilyon ang kita niya sa VAT. Kaya sabi niya namudmud siya ng pera. Sinong lokohin niya?

Hindi ganito kahirap ang buhay kung wala ang VAT.Kung matino siyang lider, dapat ayusin niya pagkulekto ng buwis. Dapat walang smuggling. Dapat tigilan niya ang paglustay ng pera ng taumbayan.

Mabuti lang at kukunti lang ang naloloko niya.Tingnan nyo ang kanyang rating sa SWS survey na ginawa noong ika-pito ng Hunyo hanggang ika-30 ng Hunyo.mga huling araw na ito ni Arroyo sa pagbisita sa kanyang kaibigang si George Bush kung saan bitbit niya ang 63 na mga kongresista habang lubnog sa tubig at putik ang libo-libong Filipino na biktima ng bagyong “Frank”.

Lumabas ang galit ng taumbayan sa survey.

Sa tanong kung sila ba ay kuntento sa pamamalakad ni Arroyo, 22 porsiyento ang nagsabing “OO” at 60 porsiyento naman ang nagsabing “Hindi”. Kaya bagsak na bagsak ang rating ni Arroyo: minus 38 porsiyento.

Sabi ng SWS kahit daw sa Visayas, kung saan malakas si Arroyo, bagsak na siya doon. Sabi ni Remonde, talagang ganoon raw kasi mas gusto raw ni Arroyo na tama siya kaysa popular.

Hindi nga tama eh. Palpak nga siya eh. Kaya naghihirap ang bayan.

.

8 Comments

  1. johnelyn kim said,

    July 22, 2008 at 3:38 am

    bukod sa pagbabasura ng vat, kailangang tanggalin at ibasura na din ang oil deregulation law na ngbibigay laya sa shell petron at caltex na patuloy na makapaganid sa tubo.

    ngunit hndi kailanman gagawin ni gloria yan kaya makatarungan na ang pag-aaklas!

    lumahok sa pamabansang pagkilos sa araw ng sona
    OUST GLORIA!

  2. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:06 am

    You’re barking on the wrong tree! Instead of blaming Gloria, why don’t you go to congress para ipabasura ng mga senador at congressman yong VAT at Oil Deregulation Laws na tinutukoy mo. Sila ang may kakayahan o kapangyarihan para amendahan o ibasura yang mga batas na yan!

  3. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:10 am

    Porke’t babae yong pangulo natin at di kumikibo sa mga batikos na wala namang bases, tira ng tira lang kyo!

    Kaya sa susunod na halalan come 2010, hwag ng pumili o bomoto ng babaeng pangulo o leader para di ma-understimate!

  4. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:19 am

    Dapat din ang mga kaparean o mga madre, di sumawsaw o makikialam sa usaping political… they instead focus on how to improve the moral values of the Filipinos! Kurakot dito, kurakot doon… dahil bulok na ang mga moral values natin umpisa pa lang sa family na dapat iblame sa mga parents at spiritual leaders na mga ito, di kay Gloria!

    Kung nagnanakaw ba ang mga leaders natin kasama na mga barangay chairmen at SK chairmen, isama mo si Gloria! Kalukolhan!

    Dapat din talaga, tanggalin ang SK na ito, dahil natototo na ring mangurakot… We are training them to be expert corrupt officials in the future!

  5. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:22 am

    Kaya nga, kahit binabatikos na ang pangulo ng tudo-todo, tuloy tuloy pa rin ang gawa nya sa Bayan! Nakaka-believe!

  6. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:33 am

    Well, ang resulta ng mga surveys na yan, di masyadong reliable ang mga yan… I, myself, am also a researcher… na pwede talagang imanipulate yan para ifavor one from the others… Yong randomness kasi pweding ipalitaw na naka-random pero napili na pala yon… kaya sa MM, mga tao dito ay oppositions kaya mahirap mag-survey dito sa Maynila dahil sa factor na ito… at the questions can also be designed against certain persons or in favor to a person… depende din talaga kung sino ng commission ng survey…

    In the final analysis, taong bayan pa rin talaga ang magpasya, di yong kadalasan na 1,200 lang para ipasya ang 80,000,000 tao. Ang laki ng disparity!

  7. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:40 am

    Sino nga ba ang dahilan sa kapalpakan niya, di ba tayo rin naman… instead na batikos ng batikos, ba’t di natin tulongan sya… e para sa lahat naman ito…

    Namana lang ni Gloria ang bulok na systema na ng umpisa pa yong panahon ni Marcos, kaya kahit gaano ka kagaling, kakainin ka rin ng systema.

    Para mabago ang kaisipan natin, madali lang: lahat na may kaisipan ngayon ay dapat iligpit lahat [sorry, pero kasama naman ako dito]… yong mga musmos ang ititira… pag naging adult at leader na mga yan… gagaling na ang mga Pinoy!

  8. ROQUE said,

    June 11, 2009 at 8:45 am

    Siguro, kailangan ipagdasal natin ang isa’t isa at lalo na si Gloria para mapaliwanagan…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: