“EDSA DOS Rebolusyon”, Isang Malaking Pagkakamali at Kahihiyan sa Ating Kasaysayan

PRESS STATEMENT
January 20, 2009

Sa buong mundo, anumang araw na naganap ang isang “rebolusyon” ay ginugunita at ipinagdiriwang ng buong bansa ang katagumpayan nito.

Subalit bukod tanging sa Pilipinas, sa araw na ito na sinasabing naganap ang “edsa dos revolution”. Tila nakalimutan na ng lahat ang pangyayaring ito.

Marahil hindi makuhang gunitain ng bansa ang pangyayaring ito, dahil sa halip na mapabuti ay lalo lamang nasadlak sa walang kaparis na kadiliman ang bansa sa pagtitimon ng kasalukuyang bangkaroteng rehimen.

Maging ang mismong prinsipal na nakinabang sa “rebolusyong” ito na pamilyang Arroyo, ay ayaw itong ipagdiwang! Dahil lalo lamang makikita ang pagkakahiwalay nito sa mga Pilipino. Iniwanan na si Arroyo ng mga mismong nakipagsabwatan sa kanila. Kaya’t batid nitong sa halip na magamit ang “edsa dos” para sa pagpapakita ng pag-asa, alam nitong lalo lamang masasadlak sila sa isang depensibo at walang katapusang pagpapaliwanag at KAHIHIYAN!

Marami na sa mga naging bahagi ng madilim na pangyayaring ito ay nagsisisi at humihingi ng paumanhin hindi lamang kay Pangulong Erap kundi mismo sa masang Pilipino.

Marapat lamang na itala ang araw na ito na tinawag nilang “rebolusyon” bilang isang MALAKING PAGKAKAMALI AT KAHIHIYAN sa ating kasaysayan. Patawarin sana tayo ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon.

JOSEPH VICTOR G. EJERCITO
Mayor

13 Comments

  1. Oskie said,

    January 24, 2009 at 1:38 am

    Talagang nakakahiya ang Edsa Dos! Di binigyan ng rispeto ng mga elitista ang Pangulo na hinalal ng taumbayan! Kung kaya’t tayo ngayong ay nagdurusa na hanggang ngayon andyan pa si Gloria na walang kasing swapang!

  2. OFWlondon said,

    January 28, 2009 at 10:44 pm

    tama ka, mayor! pambabastos sa konstitusiyon ang edsa dos! hindi kailanman dapat ihalintulad ang edsa dos sa unang edsa dahil wala itong diwa ng totoong people power! ang mga elitista sa pulitika, militar, simbahan, at civil society lamang ang nakinabang at ginamit lang nila ang taong bayan! isang malaking kahihiyan!

  3. anonymous said,

    February 2, 2009 at 12:58 pm

    Hindi rin nama kase magkakaroon ng EDSA dos kung hindi din dahil sa dating presidente. marahil pangit nga ang prosesong nagamit pero kailangan nating tandaan na ang bagay din na ito ang nagbigay pagasa sa maraming mga pilipino na nagakalang pagkatapos ng edsa dos ay masusulusyonan na ang problemang pampolitika at higit sa lahat ang problemang pasan ng masa. napaka unfair din naman kung huhusgahan natin ang isang bagay dahil sa kung ano ang kinalabasan nito hindi sa kung ano at para saan ito bago ito ginawa.

    • wehavenoname said,

      February 7, 2009 at 1:49 am

      anonymous,

      Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw, nguni’t kinakailangan lang na buksan natin ang ating isipan sa mga pangyayari. Ang aking ama ay hindi perfect, marami siyang pagkakamali at inaamin niya. Ang lahat ng bintang sa kanya, ay karamihan half-truths, at dahan-dahang lumabas ang katotohanan na wala siyang kasalanansa bayan.

      Ang naging problema ni Pangulong Erap ay hindi siya tinanggap ng mga elitista, ng mga middle class, at ng simbahan, kung kaya’t pagkaupo palang niya, unang araw pa lamang ay pinagplanuhan na kung paano siya mapapatalsik.

      Tignan mo na lang ang Philippine Daily Inquirer, dati ay araw-araw na headline ay paninira kay Pangulong Erap at sa pamilya at mga kasama. Inilabas pa nga na istorya na iniregalo daw sa amin ang mansion ni Bolkiah sa Forbes Park. Nguni’t ng mapatunayang ito ay hindi totoo, hindi naman nila itinama ang mga istorya. Ang Inquirer ay pag-aari ng mga Prieto, na mga elitista at may negosyo din. President Estrada was demonized by Cardinal Sin, the elite, and the media during those times. Ang Inquirer ngayon kung iyong mapapnsin ay parang Bulletin, at pinagtatakpan ang mga kalokohan ni GMA at ng pamilya.

      Kung totoong corrupt si Pangulong Erap, bakit kahit isang miyembro ng pamilya at kabinete ay walang nasangkot sa anumang anomalya? Bakit wala ring naipakitang kontrata o kasunduan na magpapatunay na may ginawang katiwalian si Pangulong Erap o mga kasama nito noong sila ay nakaupo sa Malacanang?

      Mayor JV

  4. Jack said,

    February 3, 2009 at 11:47 am

    Pasensya na Mayor JV at ngayon ko lang ito nabasa. Ngunit tama ang iyong sinulat na ang EDSA Dos ay isang malaking pag kakamali. Nalinlang ang taungbayan ng mga elistista na nag pagsimuno nito. Ngunit ngayon, mismo and mga elitista na mga ito ang humingi ng paumanhin kay Presidente Joseph Estrada (note: I still recognize your dad as the President). All the more that I give high regard to President Estrada, especially after he has publicly said that he has forgiven all those that has wronged him I do hope however, that he has not and will never forget what they did to him. Especially so, that it led to the Filipinos living in misery and humongous government scandals with their blatant corrupt practices by the Arroyo couple and their minions.
    Eto pa ang cute: hindi pa sila nakuntento na Localized ang scandal, ginawa pa nila International, through the World Bank! Darn shame really!
    OT : My condolence to you and your family in the passing away of your beloved Lola Mary. I grew up in San Juan, and have felt your lost as well. You may not agree with me, but Lola Mary is Lola to all San Juan residents, if not the whole country.

    • wehavenoname said,

      February 7, 2009 at 1:52 am

      Jack,

      Maraming salamat sa iyong mga komento. At salamat din sa pakikiramay.

      Mabuhay ang mga Pilipinong tulad mo may malawak na pag-iisip!

      Mayor JV

  5. Oskie said,

    February 7, 2009 at 2:01 am

    anonymous,

    Dapat ay buksan ang isipan sa katotohanan. Kung sinasabi mong tama at may rason para isagawa ang Edsa Dos, ang tanong ko sa iyo, ano ang iyong ginagawa sa kasalukuyan upang labanan ang tiwaling pamamahala ni GMA?

  6. Jack said,

    February 7, 2009 at 11:06 am

    Anonymous :

    I totally agree with Oskie, what are you doing now, in order to stop, or at least help those who are trying to put to a stop, the Mismanagement of the Philippines by Gloria Arroyo and her minions?
    The Filipinos are reading Scandal after scandal, perpetuated by Gloria and her Husband. Government officials, lying with straight face, to shield Gloria and Mike. Most of us are aware that the Arroyo family have amassed great wealth through corrupt practices. And yet, we still lack the numbers to air our voice and stop all this gang-raping of our country.
    Alot of Filipinos, in my perception, have lost their self respect and will to regain what is rightfully theirs. Their dignity apparently have been lost. I really hope I am wrong, but from what I have been reading and seeing/hearing, I think I am correct in my perception.
    I would humbly apologize, if you could prove me wrong in my assumption. Please tell us what are you doing to prove me wrong.

  7. AURECA said,

    February 8, 2009 at 10:11 am

    HND NMN YAN 22O DBA

  8. Blade said,

    February 8, 2009 at 10:38 am

    Anonymous,

    Kung si Pangulong Cory Aquino nga ay nag sorry na kay Pangulong Erap, bakit ang mga tulad mo ay ayaw umamin na ang Edsa Dos ay isang pagkakamali?

    Yan ang problema sa ibang pinoy, sobra taas ng pride! Kung may mali, aminin ng di na ito maulit.

  9. anonymous said,

    February 17, 2009 at 3:41 pm

    May ginagawa ako para masugpuan ang katiwalian na nangyayari ngayon. hindi mo naman kase kailangan mangalap pa ng maraming tao para lang masugpo ang kasalukuyang rehime. at ano ang mangyayari pagkatapos? sasabihin na pagkakamali nanaman ang nangyari? ayokong magpadala sa gulong na meron ang politika ng pilipinas. kase magugulat nalang tayo na bumabalik nanaman pala tayo sa simula. higit sa ipaglaban ang sa tingin natin ay tama ang pagkakaroon talaga ng matapat at responsableng lider na sa hanggang ngayon ay wala pa. naniniwala naman ako sa ipinaglalaban ninyo ay mga gustong mangyari. pero kung magpapadala nanaman ang mga pilipino sa bugso ng damdamin sa pakikipaglaban sa katiwalian, wala ring mangyayari.

    ayoko kay gloria makapagal-arroyo dahil wala siyang ipinagkaiba sa majikerong gustong paniwalain ang mga manonood nito. pero sana maging bukas na ang mga pinoy at magisip naman ng bagng stratehiya para masugpo ang ganitong mga pangyayari.

    marahil pwede nga nating isipin na mali ang nangyari sa edsa dos pero bahagi na ito ng kasaysayan – isang pangyayaring nagbigay pag asa sa lahat ng mga pilipino pero sa kasamaang palad, ay sawi padin. pero sana, wag nating gawing mali ang pagkakaroon ng pag-asa. dahil kung ganoon naman din lang, wag na tayong mangarap na magbabago pa ang lahat.

    maraming salamat major JV at sa mga ibang nag commento sa ideya ko. ito naman ay sa pagtingin ko lamang at mananatiling laman ng aking isipan.

  10. kim said,

    March 2, 2009 at 2:26 am

    hindi dapat ikahiya ang anumang pag-aalsa ng masa
    kailangang mahiya ay ang mga elitistang umaagaw ng ganansya ng pagaaklas sa edsa

  11. JV Ejercito said,

    March 2, 2009 at 5:42 am

    Ang tunay na pag-aalsa ng masa ay naganap noong Edsa Tres, na pilit na binubura sa kasaysayan ng Rehimeng Arroyo. Ang Edsa Dos ay isang sabwatan ng mga elitista, militar, at simbahan sa pangunguna ni Cardinal Sin.

    Ang naging bunga ng Edsa Dos ay ang pag-upo ng Gloria Arroyo, na pinaka malupit sa lahat ng naging Pangulo.

    Ang dapat na imbistigahan ang pag-aari ng mga Arroyo sa mga pangunahing kumpanya tulad ng Meralco, Petron, Transco, at iba pa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: