Pagbabago at hustisya, bago ang rekonsilyasyon!

Reaction on GMA’s statement about reaching out to President Estrada and President Aquino:

Hindi si Pres. Erap, hindi rin si Pres. Cory ang namatayan ng mga kamag-anak sa extra-judicial killings & abductions na naganap sa panahon ng rehimeng GMA.

Hindi sila Pres. Erap at Cory ang nawalan sa pagkaka-ubos ng sequestered Marcos Wealth habang walang napapala ang bansa.

Hindi lamang si Pres. Erap ang nakulong at kinamkaman ng pag-aari ng dahil sa political persecution.

Hindi rin lamang sila Pres. Erap at Cory ang nakaranas ng walang kaparis na patuloy na pagtaas ng mga bilihin at bayarin.

Hindi rin lamang ang boto nila ang nasalaula noong 2004. Kung hindi ang boto ng buong bayan.

Nag-sorry na si Pres. Cory sa nangyari sa Edsa Dos. Marahil nagsisisi rin si Pres. Erap dahil hinayaan nya ang Edsa II. Marahil nagsisisi na rin ang maraming naging kabahagi nito.

Ang Edsa Dos at hindi ang Edsa Tres, ang hindi mapapatawad ng sambayanan at huhusgahan ng kasaysayan na pinakamalaking pagkakamali.

Nasa sambayanang Pilipino na ang pagpapasya kung patatawarin nila si GMA.

JOSEPH VICTOR G. EJERCITO
Mayor

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: