Different strokes for different folks

Dear X Tattoo,

Salamat sa iyong comments na galing pa all the way from South Korea. Kahit nega siya about Ang Ladlad political party, siyempre I approved it. That is the heart and soul of democracy.

Comment ko lang, X Tattoo, iba-iba naman talaga ang bading. You mentioned that in the Philippines, the gays wear female clothes. Ang tawag sa kanila, generally ay transgenders. They think and feel that they were born in the wrong gender. Kaya nga they are willing to go through a sexual-reassignment surgery, to change their gender. But not all gays are like that.

Meron kaming transgender na members sa Ang Ladlad, meron ding hindi. Merong straight-acting, merong bisexuals, merong lesbians, at meron ding straight supporters. Ika nga sa Ingles, different strokes for different folks.

Buksan lang po natin ang ating puso at isipan. Ang inaapi mong mga transgender na bading — na karamiha’y nasa Japan o nagtratrabaho sa parlors — ay siyang nagpapagamot sa magulang na maysakit, nagpapaaral sa mga kapatid, bumubuhay sa kanilang mga pamilya. Definitely, sa mata ng tao (Bill of Rights sa Philippine Constitution) at sa mata ng Diyos (basahin ang New Testament where Jesus Christ preached love for everyone), may halaga ang kanilang mga buhay.

Hindi ba, sister? 😉

Danton Remoto

Advertisements